Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bato sa balat,

Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa

Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan

Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa–

Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib

Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa.



Ipagpaliban mo muna ang mundo

Ilaw sa paningin,

Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa

Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato–

At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing

Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig,

Huminga ng malalim at iyong sabihing

Ginusto mo ang linggatong na ‘to

Mata sa dutsa,

Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita

Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan

Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan

‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait–

Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit

Pagbigayang mabasa ang sarili



Silakbo sa kawalan,

Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat

Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi

Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo

Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi

Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena

Mahalin mo ang iyong pagkatao

Makipagtalik sa sarili,

Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan

Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok

Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t

Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak,

Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin

At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan–



Pagkamuhi sa sarili.
Sa'yo, ako'y nanabik.
Sabik ako Sayong presensya
kaya di na ako mag-aaksaya.
Ako'y Iyong inaalala sa bawat segundo
kaya iniwanan ko ang buhay na makamundo.
Heto ako, patulong **** binago
at kalooban Mo na ako'y lalago.
Salamat sa Iyong pangako
na di talaga napapako.
Naisulat ko ito noong ika-7 ng Enero, 2018.
Sa mga oras na yun, nakikipag-usap ako sa Panginoon.
Ipinapaalala Niya sa akin na lubusan ang Kanyang pagmamahal sa bawat isa satin. Ayaw Niya na ang buhay natin ay mapariwara kundi ang magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ipinopost ko po ito bilang inspirasyon sa isang makata na si @Sy Lilang.
Hangang-hanga ako sayo.

— The End —