Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Tinalikdan ng araw ang langit Hinayaang lamunin ng dagat ang hari Mahinahon ang karagatan Tila nagdurugo ang tubig Hinabol ang hangganan ng nakikita Doon nasilayan ang mukha ng asawa Papalapit ngunit hindi naman niya kayang masungkit Mga mata'y ipinikit Sinariwa ang halimuyak ng kanyang mga halik Labis na nasasabik Gustong balikan ang mga sandali Pagbukas ng mga mata, Kadiliman ang naghasik ng labis na pangungulila't hinagpis -Tula IX, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:16 AM UTC
Tula IX

margaret-austin-go
Written by
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:16 AM UTC
Request permission to use this poem