Pabalik-balik ka Hahakbang nang pakaliwa , Hahakbang nang pakanan.
Yapus-yapos ako ng aking kinahihimlayan Balakid nati'y salaming Bahagdan lamang ang kinalalagyan.
Puti ang daan patungo sa iyong tuntungan Sumusulyap ka nga't Mensahe'y kusang tanong Tinipon at binahagi sa pagkatao.
Malabo ang salamin sa harap Dito sa amin at sa kalye sa looban Kung saan dinudumog ito Ng mga kliyenteng Buht sa iba't ibang pintuan.
Takipsilim na Tangan-tangan ko ang susi palabas Nang tumambad ka't Ilang metro lamang ang distansya.
Nagtagpo ang pawang paningin Bagkus kailangan na ring pigilan ng sandali Nauna ka Pagbaba ko'y hindi na muling nasilayan Anumang aninag ng iyong *lihim na pagkatao.
Mayroong kumaway sa akin Isang pamilyar na tauhan sa sarili kong kwento Dati ko palang **** sa asignaturang Ekonomiks.
Tinugon ko ang pagtawag niya sa akin Aba't ang oras ang huminto Ninakaw ng kanyang katabi Ang pagtingin buhat sa tumanggap ng pagtugon.
Naroon ka, hawak ang manibela Ako'y nauupos na kandila Ako'y hinahanging saranggola Isang bulang hinihele ng musikang walang liriko.
Hindi ako naging epektibo sa kausap Doon ang pasimula ng kwento Hihintayin ko ang muling pagsirit ng nanlilisik na araw At ang lahat ay kapwa Pausbong na ala ala na lamang.