Bukas Samahan mo ako Pagsapit ng takip-silim, Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula Tapos kukupas sa mga bituin.
Samahan mo ako Sa tabi ng kalsada Kaharap ng mga naglalarong bata Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia At lasapin natin ang malamig na hangin Na humahaplos sa atin ng kay lambing.
Halika, Balik tanawin nating ang nakaraan At mangarap ng mas malaki pa Para sa kinabukasan. Wala nang lihim na itatago, Walang kahinaan na ikakahiya.