Sa pagtulog mo ang tanging hiling ay mayakap ka. Ang bawat awit na hinuhuni ng aking puso ay alay para lamang sayo.
Nakakapit sa pag-asang magdadaop muli ang ating mga palad, na matititigan kong muli ang iyong mga mata habang ang ating mga labi ay unti unting naglalapit para sa isang halik na pinakaaasam. Ang halik na siyang bubuhay muli sa daloy ng ating minsang ipinangakong pag-ibig na wagas.
*note: This poem is in the Filipino/Tagalog language from the Philippines