Tinawid ko ang karagatan, binaybay din ang Kabisayaan. Mula sa hilaga, sa Katagalugan, mahanap ko lang ang katotohanan. At makita ko lamang ang kasagutan, malasap lang ang angkin nitong tabΓ‘ng. 'Di lang karagatan ang handa kong tawirin, mga ilog na may buwaya rin, aking giliw. Makita ko lang sa'yong mata ang saliw at dampi ng aking nadaramang sakit. Babaybayin ang buong bayan at isla, bibilangin ko ang bawat mga tala. Lilibutin ko ang kabundukan, lilituhin ating kapalaran.