Damdaming walang katumbas na salita Maging sa diksyonaryo'y di ko makita Waring humahagilap ng mga kataga Na aangkop sa ginagawa kong tula
Ang isip ay nagtatalo at nagwawala Ang bawat isa'y nais makawala Aking gagapusin ng mga tanikala Mga anyo na ako rin ang gumawa
Sapagkat hindi nga sila kayang patayin Waring mga aninong di na kayang alisin At sa pagdaay pinipilit ko na lamang mahalin Kahit na taliwas pa ang aming adhikain