Sa bawat pag lipas ng taon Ako'y tila naiiwan ng panahon Ngiti ang sagot sa bawat tanong Ngunit hindi ang siya ko ngang tugon
Tanong na tila humahamon sa katauhan ko'ng malamya Tanong na malalim ang mga kataga Tanong na iniiwasan ko'ng tumaga Sa pusong takot nang muli pang mapiga
Takot lang ako na baka meron akong masaktan Ang siya ko'ng laging sagot at dahilan Ngunit ako nga ba'y tumatakbo lamang mula sa nakaraan At ang totoo ako'y takot na muli nang masaktan?
Hindi hindi. Sadyang ako'y iba lamang mag-isip Hindi puso ang umiiral kundi lagi ang isip Sapagkat ako'y pagod na sa mga panaginip