Isa marahil sa libu-libong isda sa karagatan Ang maigting na pumipili ng pain sa kawalan Sa takot na baka ibalik lamang sa karamihan Sapagkat ang nais ay di na pakawalan
Ang uri ay hindi maihahambing kaninoman Tila nagiisang premyo sa makahuli na sinoman At isang beses nya lamang matitikman Ang tunay na tagumpay ng hamon ng karagatan
Sumisisid nga ng husto pailalim Hinahanap kung may butas pang susuungin Takot na takot na baka mapain Ang isdang nasanay nang nasa ilalim
Kailan kaya susubukang umangat At matutong sa pain ay kumagat? Makatagpo nang mangingisdang tapat At kung mahuli sa kanya ikaw na ay sapat.