sa pangatlong araw ng pagsikat, sa isang lamesang puno ng kalat dumating na'ng isang hudyat sa isang makathang pagsusulat
kasabay ng pagdaan ng panahon ang pag-alala sa maling nagawa ng kahapon sa aking paglisan, tumahak ng ibang direksyon batas ng tadhana, tayo ay hinamon
waring nabighani sa kaniyang aparisyon sa kaniya'y sumama, pinakinggan ang tugon ngunit lingid sa aking pag-iisip, siya'y hamak na ilusyon ako'y niligaw, tinangay ang aking aguhon
sa panahong ako'y naliligaw sa desisyong tinahak, isang mapurol at maginaw bakas sa aking munting balintataw ang hangaring gustong bumitaw
ngunit dumating ang aking kinatatakutan ako'y naligaw, sa isang mapurol na bilangguan ang aparisyong pinaglalaruan ang aking isipan pilit na tinutulak sa aking magiging hantungan
hindi ko ninais na ika'y iwanan nais kong ilahad ang aking pinagdaanan ngunit hindi ito sapat sa nagawang kasalanan lipos ang pagsisisi, na ika'y binitawan
hahamakin ang lahat, ako'y uuwi sa ating tagpuan walang nang aparisyong hahatol sa ating pagmamahalan ngunit nariyan ka pa ba? o ako'y tuluyan nang kinalimutan? gayunpaman, ako'y naririto, naghihintay, na muli kang mahahagkan
Tatlong Daan at Animnapu't Limang Tula para kay Mayari: Ikatlong Pahina