Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan Sa bawat halakhak may nakakubling puot Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Sa dako paroon aking hinihintay ang pagsilay muli ng araw Dahil ang bukas lagi may bagong pag asa Wag magpakulong sa mga kasalukuyan ala ala Patuloy na humayo at wag kalimutang lingunin ang bakas ng kahapon