Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2020
Ilang beses ako nag tangkang sumulat ng tula ngayong araw na β€˜to.
Pero parang walang pumapasok sa ulo ko.
Maraming gustong sabihin ang puso
Pero parang hindi magawang i-proseso

Mahusay akong umintindi ng ibang tao
Sabi nila, isa daw yun sa aking talento
Pero bakit pag dating sa sarili ko,
Ako’y na ba-blanko?

Wala naman akong problema
Masaya naman ako, ata
Okay lang naman, ata
Hindi naman ako pagod, ata
Burn out lang, ata
Kaya ko pa, ata

Minsan nakakapagod
Madalas nakaka lungkot
Ilang mundo pa ba ng dapat ilibot?
Ganito na lang ba talaga ang ikot?
Hiwaga
Written by
Hiwaga  25/F/Philippines
(25/F/Philippines)   
  372
     moodswing, PRIMO, Imran Islam and Jeremy Stacy
Please log in to view and add comments on poems