Ilang beses man sinubok ng panahon, Ilang beses man lunurin ng alon, Pero di kailan man mauubos ang pagkakataon upang magpatuloy at maka ahon.
Sa bawat paglubog ng araw ay may kadilimang umiibabaw pero ito'y hindi panahon para magluksa kundi ito'y para panahon para makapagpahinga. Pagkatapos nito'y isang panibagong umaga, ito'y pagsisimula ng panibagong kabanata. Sabi nga nila, sundin mo kung anong nilalaman ng puso. Sa bagong simula nato Di na muna ako makikinig sa kanilang payo. Ayaw ko munang sundin itong malakas na pintig ng aking damdamin. Gusto ko munang i-alay tong puso ko sa Kanya, Siya na may-ari nitong lahat, ating Manlilikha. Ipapaubaya ko muna sa Kanya itong lahat Kahit saan man ako dalhin, pero sa aking tingin ay sa iyo pa rin ako makakarating.
Don't follow your heart, just surrender your heart to God and let him guide you.