Matagal-tagal na ang nakalipas mula sa huling beses kong magsulat ng tula Pag sinabi kong matagal, ang ibig kong sabihin Ay ilang araw na ang nakalipas Nang hindi ako nakabubuo ng tula Nasanay kasi akong halos araw-araw akong may naisusulat Kung di man buong tula Kahit ilan mang linya Nasanay kasi akong lahat ng aking nakikita Ay ginagamit kong inspirasyon Sa pagbangon Sa paghugas ng pinggan Sa pagkain ng hapunan Sa pagsampay ng labada Hanggang sa pagpikit ng mga mata Hindi ako nauubusan Ng salitang nais isulat o ibigkas Ngunit sa mga nakaraang araw Ay hindi ko yun naramdaman Pareho lang naman ang kaganapan Pero tila nawala ang aking mga salita Pareho lang naman ang aking ginagawa? Bakit nawala bigla ang aking pagiging manunula? Ang pagbangon ay nanatiling karaniwan Hanggang pagpikit nang mata Wala namang mahalagang kasulat-sulat ng tula Hindi ko mawari Kung ano ang nangyari Hindi ko matukoy Katamaran ba ito? Pagod? Antok? Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko matukoy Kasi wala akong maramdaman Alam mo yung pakiramdam ng paang manhid? Aba syempre hindi, kasi wala naman itong nararamdaman. Sa totoo lang, hindi ko alam Kung ano ang punto ng tulang ito Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi ko Sa simula hanggang dulo Pero kahit papaano Mabuti at nakapagsulat muli ako
I barely wrote anything last week and it frustrated me so much. I don't even know how or why it happened, but I'm currently trying to overcome this slump.