Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2020
Tila totoo ang aking sapantaha
Pag-ibig mo'y nasa kaniya na
Dati'y nasa akin pa
Ngayo'y nanlilimos kahit tira tira.

Lokohin man ang sarili
Sabihin mang hindi na ikaw
Hindi mabibilang sa daliri
Ang patuloy na pag-alala sa iyo sa araw araw.

Tila totoo ang aking sapantaha
Sariwa pa sa aking mga ala ala
Noong tayo'y naguunahan sa pagbibisekleta
Tayo lang dalawa sapagkat tahimik ang kalsada.

Sumobra ako sa patakbo
Dahilan upang matumba ako
Inalalayan at nag-alala ka ng husto
Pagkatapos no'n ay sabay tayong humalakhak dahil sa katangahan ko

Araw-araw mo akong pinapaligaya
Sa mga mensahe **** nakakatawa
Hindi tayo nagsasawa sa isa't isa
Iyon ang aking sapantaha.

Ganoon tayo kasaya
Kahit isaw at kwek kwek lang ang meryenda
Hindi nasa meryenda ang aking kasiyahan
Nasa taong kasama ko na gusto kong maging kasintahan.

Ang sarap balik balikan
Mga panahong buo pa ang ating samahan
Kay bilis lamang magbago ang ihip ng hangin
Kasabay no'n ay wala ka na pala sa akin.

Tila totoo ang aking sapantaha
Hindi dapat ako masyadong nagtiwala
Sa katulad **** magaling magpatawa
Dahil isa lang pa lang biro ang lahat ng iyong ipinadama.
G A Lopez
Written by
G A Lopez  F/Elyu, PH 🇵🇭
(F/Elyu, PH 🇵🇭)   
1.4k
   G A Lopez
Please log in to view and add comments on poems