Kay sarap sigurong matulog ng mahimbing, Na para bang naiiwan ang mga problema Sa simpleng pagpikit lamang ng mga mata; Na paunti-unting naiibsan ang sakit at hapdi sa bawat hinga, sa bawat saglit; Na dahan-dahang nawawala ang mga lamig-lamig ng katawan, mga kalamnan na ang alam lang ay pagod at paninigas.
Kung ako ma'y tuluyan nang matulog, Pakiusap -- wag mo na akong gisingin; Pagka't ako'y masaya na sa kawalan -- ng kahirapan, ng pagdurusa sa mundo.