Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2020
Minsan ko nang nakita ang mga ngiti mo sa labi, na siyang minsan na rin akong naging dahilan
Minsan na rin akong nalunod sa iyong mapungay na mga mata, na siyang hindi ko sigurado kung ako’y nakaahon na ba
Minsan ko na ring nahawakan ang iyong mga kamay, na siyang ka’y higpit na para bang ito ang iyong paboritong laruan
At minsan ko na ring narasanan ang mahagkan gamit ang iyong mga bisig, na para bang natatakot na ako’y mawawala.

Alam mo ba kung ano ang pinaka paborito kong minsan?

Ang mahalikan mo gamit ang iyong mapula at malambot na labi na siyang paulit-ulit akong nadampian sa iba’t ibang parte ng aking mukha.

Minsan.

Kung iisipin ay nakakatakot dahil ang lahat ng mga bagay na masasaya ay nauuwi sa minsan. Yung minsan na hindi sigurado kung uulit pa ba, o yung minsan ba magiging madalas na?

Ngunit sa minsan kong karanasan sa piling mo. Ako ay lubos na naging masaya. Lubos na nagkaroon nang pag-asa na minsan ko na itong naramdaman, at siguradong darating din ang bukas na maaaring maging madalas na, yung sigurado na akong hindi magwawakas.
Elly
Written by
Elly  19/F/Manila, Philippines
(19/F/Manila, Philippines)   
900
 
Please log in to view and add comments on poems