Pwede ba, na sa bawat pag-gising At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok Ang sinag ng araw sa aking bintana Ay makakalimutan ka na?
Dala na ang kamao **** tila nakabalot Sa aking pinunong dibdib Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba?
Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw Balang araw, sana nga.
Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo Ako'y pagod na.
Pagod nang magparamdam, makiramdam Makaramdam ng purong pagdamdam Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman Tama na.
Kung maaaring mawalay na Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag.
Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan!
At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak.
Gusto sana kitang tanungin Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi.
Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro Lahat ng barikan na aking nalalaman Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman.
Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing Nangangamoy alak at naglalasang halik mo Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo.
Ngayon, ika'y masaya na at kuntento Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil
Tila tintang nakamansta sa puting palamuti Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin Kay hirap nang hubarin at tanggalin
Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso
Pero, sa huli, kinailangang limutin At iparaya ang damdaming nakakulong parin Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim
Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin.
Aking nawalay na sinta Maaari bang ika'y pakawalan na? Para sa atinβo baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang Pwede ba, kakalimutan na kita?
Day 1 of #NaPoWriMo2020. As of now, I'm not yet following the prompts. But here's an entry nonetheless.