marahan **** binitawan— kamay ko'y tuluyan mo nang pinakawalan ako'y hinayaang mag-isa sa kalawakan; magpalutang-lutang sa dalampasigan iniwan na lang kahit wala pa sa dulo ng hangganan binalewala lahat ng pinagsamahan o, aking sinta bakit ba'y hinayaan **** mapunta sa piling ng iba ang 'yong pangarap—yung taong pinangakuan **** ibibigay mo ang lahat ngayo'y naglaho na lang na parang bula ikaw at mga pangako **** nauwi lang sa wala ano man ang nangyari, ikaw pa rin ang aking tinatangi patuloy pa ring nagbabaka sakali na baka sa panaginip, landas nati'y magtagpong muli