unti-unti na lang bang masasanay? tila nalanta na at wala nang buhay ang mundo na sabay nating binuo natutuliro, nababalisa at hindi mapalagay ang dating mga usapang hindi maubos-ubos ngayon ay para na lang kandilang nauupos
hindi alam kung paano, bakit at ano ang nangyari bigla na lang nagbago; wala man lang pasabi. nawalan na nga ba ng gana ang tadhana sa'tin o sadyang ito na ang huling hantungan natin?
maaari bang samahan mo akong lumaban at agapan ang ating nararamdamang tinatangay na ng hangin sa kawalan? akala ko ba'y sabay pa nating pagmamasdan ang marahan na paglubog na araw ngunit bakit tila parang mauuna pa ang ating istoryang hindi pa nga nasisimulan?