dito lang tayo sa gitna kung saan lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan; magulo at kumplikado dahil walang nais na kumawala; natatakot na may mawala at 'di rin magtagal hindi rin makaangal dahil may posibilidad na mangyari ngunit hahayaan na lang ba natin na ang takot ang maghari sa'tin? subalit tila wala na ata akong magagawa ikaw na ang nagpasya. ito na lang ang natatanging paraanβ pipigilan ang nararamdaman, magkukunwaring walang alam, magbubulag-bulagan sa katotohanan upang manatili ang pinagsamahang iningatan. ang nais lang nama'y ika'y nanditoβ nasa sa'king tabi at kapiling ko. kaya't sana'y walang magbabago dahil nandito lang naman ako para sa'yo, kaibigan ko.