kinalimutan mo na kaya ako? sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa?
dahil ako, palagi. sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit sa pagkalimot ng isa paulit-ulit nagsisimula sa umpisa ani mo'y palabas sa sariling haraya
iniipit ako ngayon ng tahimik ni walang imik sa pagitan nating dalawa napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag
napapangiti na lang sa mga gunita dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli tulad ng paulit-ulit na pagtugtog ng musikang nagpapaalala sayo