Bayani -- Sa tuwing nagtatapo ang aking kanang kamay at ang aking dibdib Doon ko mas naisasaisip at naisasapuso ang pagiging isang Pilipino Na hindi ako isang banyagang titirik sa malaparaisong lupain At panandaliang mabibihagni sa mga likas na yaman O mismong sa mga modernong Maria Clara O mga aktibisang nagmistulang mga bayani Sa kanilang walang pag-imbot Sa pagsulong nang may paninindigan Sa kani-kanilang ideolohiya.
Sa araw-araw kong pagbibilad sa araw At pagharap sa bawat pagsubok na minsang nakapapatid at nakapagpapatalisod, Ni minsa'y hindi ko pinangarap na gawaran ng salitang "bayani."
Dito sa aking Bayang, "Perlas ng Silanganan," Ako'y nahubog maging sanay at buo ang loob Hindi ng mga kahapong idinaan na sa hukay At nagsilbing bihag ng kasaysayan at rebolusyon, Bagkus ng sariling karanasang Nagbukas sa aking ulirat Na may iba pa palang pintuan patungo sa kahapon. At pupwede ko palang matuklasan Na hindi lamang sa mga nag-alay ng buhay sa sariling bayan Maihahambing ang katuturan ng mahiwagang salita.
Paano nga ba na sa bawat pagsilang ng araw at pagbukod ng mga ulap sa kanya Ay maituturing ko ang sarili bilang isang bayani? Nagigising ako na pinamumunuan hindi lamang ng isang pangulo Kundi ng mga katauhan na siya ring nagbibigay kabuluhan sa pagrespeto ko sa aking sarili At sa tuwing nag-aalay ako ng mga hakbang at padyak sa pampublikong mga lugar Ay nahahaluan ang aking pagkatao ng mga abo ng mga nagtapos na sa serbisyo At tila ba sa kaloob-looban ko ay may sumisigaw na hindi ko alam kung ano At sumisira sa mga pintuang minsan ko nang sinubukang sipain Ngunit hindi naman ako pinagbuksan.
Masasabi kong natuto akong hindi sumuko sa laban ng aking buhay Pagkat ako rin pala'y may pinaglalaban Hindi ko ninais na maging talunan sa bawat paglisan ng araw sa kabundukang minsan ko na ring inakyat at pinagmasdan Akala ko hanggang doon na lamang ako Na ang buhay ko'y hindi isang nobelang magiging mukha sa salapi At pagkakaguluhan saan man sila magdako Ngunit minsa'y limot na ang halaga.
Dito sa aking istorya'y hindi ko maipagmamalaking ako ay isang bayani -- Ngunit sa kabila ng paglaganap ng demokrasya Ay nais ko pa ring makasalamuha ang kahigpitan ng hustiya Nang sa gayo'y masilaya't malasap ko ring mahalaga pa rin sa lahat Ang pagbuwis ng mga buhay -- Silang mga pinagbunyi o silang nilimot ng sarili nilang mga kababayan.
Gusto kong manatili bilang isang Pilipinong may dangal sa aking pagkatao Na ako'y titingala hindi dahil ako'y nagmamataas Bagkus sagisag at bunga ito ng paghilom sa akin ng may Likha At isang grasya ang buhay na hindi ko nanaising itapon sa wala.
Hindi ako magbibigay-pugay sa watawat na walang kamuang-muang Na ang aking laban ay tapos na. Hindi ako magpapadaig sa lipunang maaaring bumagsak sa kahit anong pagkakataon Kapag ito'y nakalimot sa Ngalang higit na tanyag sa kanya. At kung ito ang magiging dahilan para ako'y maliko sa ibang ideolohiya'y Lilisanin ko na lamang ang aking pagkatao -- Ngunit ako'y madiing magpapatuloy sa aking lakaring higit pa sa pagka-Pilipino Kahit na ang mga tungkuling nasa harap ko'y hindi pa lubos na malinaw Pero pangako -- Hindi ako titigil.
Oo, pupuwede akong magsimula sa wala Pero ako ay may mararating At marahil bukas o sa makalawa, Kung tayo lamang ay magpapatuloy sa pakikibaka para sa ating mga paniniwala'y Magiging higit pa tayo sa mga bayani. At hindi mahalaga kung tayo'y limutin ng bukas Gaya ng paghawi ng masidhing hangin sa mga ulap na emosyonal.
Ayos lang -- Pagkat sa likod ng mga kurtina nang walang humpay na palakpakan Ay naroon ang tunay na mga bayani Na hindi sigaw at mga pagbubunyi ang mithiin. Hindi gintoβt mga pilak ang maibubulsa sa kamatayan Bagkus ang makapaglingkod sa bayan na may bukal na puso't malinis na konsensya At kalakip nito ang higit pa sa mga pamanang medalya ng kasaysayan.
Sa muling pagkikita, salubong ng ating mga ninuno Ay mabubuksan ang ating pagkatao sa isang paraisong patay na ang kabayanihan. Doon, sama-sama nating lilisanin ang ganid na administrasyon At hihipuin ang galit ng lambing ng Liwanag na higit pa sa milyong mga lampara At doon lamang natin lubos na maaakap ang pagiging isang "bayani."