Hindi ko alam paano ko to sisimulan Pero bawat gabi ako ay nadadatnan Sa tanong na laging dumadaan Dito sa sarili kong sugatan
Pero ang tanong na ito, Ang laging nagpapahinto Sa kasayahan kong di aabut nang minuto Sa pag iisip ko, sino nga ba ako?
Napapaisip ako gabi gabi Kung saan nga ba ako magsisisi Ang hindi pag hanap sa katanungan kong tangi? O balang araw malaman kong ano nga ba akung klase..
Ang mundung ito na malawak Ay napakaraming tanong na hawak Iba, mga kababalaghang di tiyak Nasa kanila ba ang sagot kong tiyak?
Ano nga ba ako dito sa mundo mag-aaral? anak? Kaibigan? Bestfriend? kalaro? Classmate? O Baka naman isang tagapayo O baka wala lang talaga ako Dito sa mundong tinitirhan ko
Baka isa lang akung extra? Sa buhay ng iba, Na mahalaga lang pag may problema At wala nang kwenta pag lahat masaya
Baka nga ganon lang talaga ako Dito sa mundong tinitirhan ko Pero minsan sinasabi ko Baka mahanap ko ang sagot ko dito
Sagot nang isang tanong ko Sino nga ba talaga ako?