hindi ko makakalimutan kung paano mo hinawakan, ang aking mga kamay noong ako'y nalulumbay.
binawasan mo ang aking pagdadalamhati, at ibinalik mo ang ngiti saaking mga labi; kasiyahan ko'y ikaw ang pinagmulan, presensiya mo'y lagi kong inaabangan.
ngayon ako'y iyong iniwan, at puso ko'y tunay na nasugatan. sino bang mag-aakala na ang dating dahilan ng aking saya, ngayon ay sanhi na ng aking mga pasa.