Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#sawi
Madaling araw, mata’y dumilat Bitbit pa rin ang pag-asang salat Kumakalam ang sikmura, pero ang lata, walang laman pa. Naglakad muli sa kanto't eskinita Umulan—basa ang katawan, nanginginig sa ginaw Bumuhos man ang ulan, walang bumuhos na barya sa kanyang lata. Isang matahimik na dasal ang binulong, “Panginoon, kahit konti lang po, tulong…” Ngunit ang mga tao’y nagmamadali Walang nakatingin, walang pumapansin. Sa ilalim ng kariton, muling nahiga Yakap ang lata, iniisip pa ba siya? Kahit minsan mahirap maniwala, Bukas ulit, haharap sa mundo dala ang lata.
0
Jul 16, 2025
Jul 16, 2025 at 5:29 AM UTC
Palimos (Part 2)
Hindi ito isang pagpaparinig Ito ay isang pagpapahiwatig Na sa oras na aking marinig Ang malalamig **** tinig Na sa’kin ay nagpapakilig Ako ay agad na tumatahimig Ikaw ay aking pinaamin Inaway kita at pilit na diniin Na may nararamdaman o may gusto ka sa’kin Ang pag-aaway na ito ay itigil natin Mayroon ka lang sasabihin sa akin At yun na nga, ikaw ay napaamin rin Isang araw, aking napag-isipan Bagay tayo, ikaw ay niligawan Gusto mo ang gumagawa ng tula Tatlong tula yan ang aking ginawa At yun na, sinagot mo’ko bigla Naging masaya ako, totoo Naging masaya ako sa piling mo Nakakalimutan ko lahat ng problema ko Akala ko palagi tayong masaya Yun ay panaginip ko lang pala Ang mahal ko ay may mahal ng iba Masakit, masakit na wala ng tayo Pero Masaya, Masaya dahil merong kayo Galit, galit ako dahil pinipilit ko ang sarili ko sa’yo Takot, takot akong mawala ka sa buhay ko Yan ang emosyon, emosyon ko sa’yo Pero ano na ba ang papel, ang papel ko sa buhay mo Pangako huli na to, huling tula na gagawin ko para sa’yo Seryoso,  wala itong halong biro Pakakawalan na kita Sana maging masaya ka sa kanya Marami pa namang iba, iba na mahihigitan ka pa Kaya paalam  na.
0
Jul 10, 2020
Jul 10, 2020 at 9:42 AM UTC
Emosyon
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam. Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang. Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam. Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita. Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama. Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa. Nagagawa **** maging matapang - Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan. Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili. Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi. Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan. Ngunit sa lahat ng iyan, Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka. Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang Sa pakikisama mo sa karamihan O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan. Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam. Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan Na mag-isa ka - Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama. © Tres
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 4:38 AM UTC
Sa Pag-iisa
sa magandang bukang-liwayway isa na namang bagong paglalakbay, ang naghihintay upang mas maging matapang ang bukal na pusong naghihinayang. sa pagsikat ng araw bagong pag-asa ang lumilitaw, para gumawa ng mga desisyon upang buhay ay may direksiyon. sa pagdating ng dapit-hapon at nakuha na ang lahat ng pagkakataon hindi alintanang nagawa kung anong tama, ngunit walang malay rin sa nagawang masama. at sa pagsapit ng hatinggabi, wala ka nang ibang katabi kundi ang iyong sarili, at konsensyang naghuhunos-dili.
0
May 16, 2020
May 16, 2020 at 3:38 AM UTC
dalawampu't apat na oras.
hindi naman ako tanga upang sa inyo pa ay humanga kung ang kahirapan ngayon ay bunga ng pagtatakip ninyo ng inyong mga tainga. alipin man sa pang-aabuso, pamahalaan man ay payaso; paniniwalaan ko pa rin ang mahinang proseso balang araw makakarating rin tayo sa paraiso.
0
May 14, 2020
May 14, 2020 at 12:58 AM UTC
walang paraiso.
Nagising ng Alas tres ng madaling araw tila wala ng araw na sisilaw Iniisip ang mga salita na binigkas mo sa araw na hiniwalayan mo ako Bakit hindi napansin ang iyong mga galaw Na ayaw mona at pagod ka na kaya nag-paalam Nabigkas mo ang mga salitang hindi ikaw ang dahilan kundi ako sinta Mga sandaling kay saya napalitan ng lungkot at luha Nakita ang luhang sanhi ng kalungkutan na nagmarka sa aking unan Na tila magmamarka na rin sa aking puso at isipan Bakit hindi napansin na hindi ka na pala masaya aking sinta Lumipas ang ilang araw, linggo at mga buwan Nakita kitang masaya at hindi na lumuluha kasama ang aking kaibigan Ako'y parang isang tangang tumatawang humuhikbi Basang basa sa ulan na umuwi Parang wala ng humpay ang sakit Gusto ng mawala sa mundong puno ng pait Kailan kaya ako makakakita ng isang taong hindi ako ipagpapalit Na magiging masaya kung ano ako at kung ano ang meron kami
0
Jun 19, 2019
Jun 19, 2019 at 1:54 AM UTC
Kwento ng isang sawi
minsan ko pang ibinulong sa hangin, na sana'y tayo nalang dalawa. ngunit masakit mang aminin, tayo'y hindi makabubuti sa isa't isa.
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 10:09 AM UTC
minsan.
Tigilan mo na Sobra akong nasaktan Lumayo ka na.
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 6:49 PM UTC
Kirot
it's very much easy to say that today is the day wherein you no longer have feelings that grows fonder for him— who you loved freely but indeed so genuinely. but your challenge is to look at his every edge and the way he laughs and smile without asking for a while if you still love him for real; you should then infer that you are now happier without him— to whom you gave your all, though from him you only got a downfall.
0
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 9:22 AM UTC
10 january 2019
Minahal kita higit pa sa inaakala ko Minahal kita higit pa sa sarili ko Minahal kita higit pa sa buhay ko Minahal kita higit pa sa pamilya ko Minahal kita higit pa sa oras ko Lahat nang 'yong minahal kita kasi akala ko mahal mo din ako. Ibinigay ko ang lahat ng meroon ako. Subalit, ako'y tila nagkamali. Tila na pa-isip ako... Balang araw makakalimotan din kaya kita? Balang araw makakamove-on na ba ako? O kaya naman, balang araw mamahalin mo na rin ba ako ? Hulaan ko, hindi. Kasi... alam ko naman, sa simula palang talo na ako. Masaya ka sa mga taong kaya kang pangitiin, patawanin, paligayahin, at higit sa lahat kaya ka nilang mahalin, sapagkat malapit na sila sa puso mo. Ano nga ba ako sayo ? Ako lang naman 'yong tao na nag bibigay ng effort para lang makita ka. Ako lang naman 'yong tao na, pupuntahan ka kasi alam ko nalulungkot ka. Sa tuwing magtetext ka ng... "Good am/pm gawa mo ?" "Tara, Kape tayo ?" "Tara sa tabing dagat?" Ako namang itong si engot... "Sige ***** na ako after 5mins" "Wait lang paalam lang ako kay mama." Dali-dali ako pupunta sa bahay niyo, dahil sabik akong makita ka. Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong meroon sayo ? Kahit anong pilit ko na iwasan ka, pero sadyang mahal talaga kita.
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 9:52 PM UTC
Balang araw
hindi sa lahat ng panahon ang mga bagay ay naaayon sa kung paano natin gusto; ㅡ at 'di lahat ay agad na natatamo. ito ay ang aking napagtanto nung nalaman kong may iba kang gusto, at ayaw ko namang ipilit sa iyo ang mga bagay na ayaw mo. oo, mahal na mahal pa rin kita puso ko'y walang sinisigaw na iba. ngunit ikaw ba, aking sinta, ay siya ring nadarama? talagang hindi yata. ako ma'y nahihirapan na tanggapin at maunawaan na tayo'y hanggang dito na lamang pero aking hirang, damdamin mo'y aking igagalang.
0
Nov 24, 2018
Nov 24, 2018 at 10:29 AM UTC
pag-unawa.
kaligayahan mo'y akin pa ring dalangin, kahit iyon man ay wala sa akin. kung sakali'y ikaw ay luluha, sana'y ikaw ay mapapatahan niya. ang magandang ngiti sa iyong mga labi ay sana'y mamalagi; ang kintab sa iyong mga mata, ay sana'y laging makikita; pagsinta niyo'y sana'y pang habang buhay, at higit pa sa kung anong kaya kong ibigay. kung sakaling umibig ka sa iba, sana'y ang tunay na ikaw ay sapat sa kanya; hangad ko sa inyo'y magagandang bagay, at sana'y bawat araw niyo ay makulay.
0
Aug 17, 2018
Aug 17, 2018 at 10:57 AM UTC
kung sakaling umibig ka sa iba.
alam kong napakabata ko pa upang ibigin ng sobra ang taong akala ko'y kaibigan ko lang, na kahit kailan ay 'di ako binigyan ng daing. labis na ligaya ang natamo ko galing sakanya. lahat ng maliligaya kong araw, ala-ala namin ang nakasaklaw. subalit ito'y kailangan kong itigil, nang pati ang sarili ko'y aking natatakwil; lalo na't ngayon ay aking napagtanto, na ako lang pala ang nakadama ng ganito.
0
Jun 24, 2018
Jun 24, 2018 at 2:06 AM UTC
ako lang pala.
hindi ko makakalimutan kung paano mo hinawakan, ang aking mga kamay noong ako'y nalulumbay. binawasan mo ang aking pagdadalamhati, at ibinalik mo ang ngiti saaking mga labi; kasiyahan ko'y ikaw ang pinagmulan, presensiya mo'y lagi kong inaabangan. ngayon ako'y iyong iniwan, at puso ko'y tunay na nasugatan. sino bang mag-aakala na ang dating dahilan ng aking saya, ngayon ay sanhi na ng aking mga pasa.
0
Jun 13, 2018
Jun 13, 2018 at 9:57 AM UTC
ang dating saya.
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

Continue reading...
56
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin. minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin. ilang buwan naghangad na ika'y makapiling; kailan ka kaya mapapasaakin? ang nais ko lang naman ay magkakilanlan - magkita, magka-usap, maging magkaibigan. limutin mo na ang iyong nakaraan, gawing ako ang iyong kanlungan. sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan, pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan; sakit at pagod ay maiibsan kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan. pagmamasdan ang mga matang hapo, ang mga gitarang sira ang capo, ang amoy ng kape mula sa hininga mo, pati ang paghilik **** nasa tono. ang iyong damit na babad sa pawis, at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis; kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis. at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista, habang ang lapis sa papel ay nabubura na; sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra hanggang sa kung paano ka tumatawa. isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri, habang ang buhok mo'y hindi na mahawi. sa bawat galaw **** aking tinatangi, at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi. kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili, maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili, ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali. ang pagmamahal kong lubus-lubusan, tila apoy na sinilaban; sa'yo inialay ang bawat laban, ngunit umuuwi akong laging luhaan. kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito, mayroong ibang nagsusulat para sa'yo. kahit ipilit ko pang gandahan ito - hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo. at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan, na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan; dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan. oo, alam ko. hindi ako nagkamali. dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali; patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi. aking sinta, ikaw ang aking mundo, mabura man ng hangin itong monologo, mabaliktad man ito ay hindi magbabago, at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 6:14 AM UTC
pitong letra

52
Ano bang merong sa iyo at bakit hindi kitang kayang iwan Sa tuwing ikaw ay may hiling, ika'y pinagbibigyan Madaming Gustong Sabihin ngunit hindi alam kung pano sasabihin Mga panahong kailangan ng sasandalan Ikaw ang una kong naisip ngunit napagtanto ko, ako pala'y iniiwasan Dumaan ang ilang araw Tayo'y di na nagpapasinan Gusto sana kitang puntahan kaso ako naman ay iiwasan Hindi pa ba ko sapat? Sapat na bigyan ng oras Sapat na bigyan ng panahon Sapat na bigyan ng pagmamahal? Bakit ba nagkaganito, tanong sa sarili Diba't ang saya saya natin noon? Diba't nangako ka sakin na walang iwanan? pero nasaan na yung pangako mo Pangako **** tuluyan ng napako. Balang araw Ipapamukha ko sayo na kaya ko na, na kaya ko nang tumayo magisa at kayo ko nang kalimutan ka
0
Oct 27, 2017
Oct 27, 2017 at 8:08 AM UTC
Kaya ko na
Kahel na pala ang langit. Ang init, ayon, namumutawi. Sa tabi ko'y radyong tumutugtog, Sumasabay sa huni ng bentilador Habang ang ulo'y sumasakit Mga kanta'y puro tunog sawi, Sa litrato mo, ako pari'y nahuhulog Sa bawat laklak, sa bote ng matador.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 3:19 AM UTC
Kahel
Ang saya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip Ang saya matulog Para lang akong nahuhulog Nahuhulog sa ideyang tayo Pero di masasabihing totoo Pagtulog na mag-isa ka Sa panaginip kasama ka Naka-ngiti, Magkahawak ng kamay, Nakatawa. Pagkagising mag-isa ka. Nakahiga sa kama Malungkot, Walang kayakap, Marahil na nagdurusa. Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo, Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo. Naniwala at nagpaloko Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro Minsan gusto ko nalang matulog Kase nakakapagod na mahulog Mahulog sa kalungkutan Mahulog sa kasawian May oras na ayoko nang gumising, Sa tulog kong mahimbing. Dahil alam kong kapag ako'y namulat, Gugustuhin ko ulit sumulat. Sumulat ng aking nararamdaman, Sumulat ng bagay na ipinaparamdam, Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman. Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod Mapapagod sa nararamdaman Mapapagod sa katangahan Mapapagod sa kabiguan Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog Dahil malinaw na ito'y isang katangahan Sa susunod na pagtulog Sana hindi na ikaw ang laman Ng panaginip At Laman ng puso't isip Dahil masaya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 8:34 AM UTC
Tulog.
( written in Filipino ) Sisimulan ko na Ang kwento nating dalwa Natatandaan mo pa ba? Wasak ka non, dahil sa kanya Nariyan ako, para alalayan ka. Iniiyakan mo siya. Iniiyakan kita. Siguro totoo nga Na minamahal natin Ang mga taong hindi sa atin. Kalaunan, nagbago ang ihip ng hangin Isang araw, ikaw ay lumapit sa akin At may sinabing na aking ikinabigla “ mahal kita “ Abot langit ang tuwa Ng binanggit ang tatlong salita Pero may konting pagdududa Aking puso ay nangangamba Nabigla ka lang ba? O totoo ang iyong mga salita? Pero siguro nga, Isa akong malaking tanga Dahil kahit may pangamba Ay minahal parin kita Sinagot kita Naging tayong dalwa Tayo’y masaya. Tumatawa. Nagmamahalan tayong dalwa Pero ngayon? Isa nalang itong mga alaala. Ikaw. Ako. Tayo... Tayong dalawa. Ay tapos na. Ito na ang huli. Pangako. Dahil alam ko May mahal ka ng iba. Masaya ka na Tumatawa ka na... Sa piling ng iba. Hayaan mo. Naniniwala ako. Na balang araw, Ngingiti nalang ako Pag naalala ko. Na nagkaroon pala ng ‘tayo’.
0
Aug 7, 2016
Aug 7, 2016 at 8:01 AM UTC
Isang Kwentong Pag ibig ( #1 )
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

72
Masyado kitang minahal AT masyado mo rin akong minahal Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan Kailan nga ba nagsimulang maging lason … ang masyado nating pagmamahalan? Sa nakaukit sa aking memora’y nahulog ako sa napaka tamis **** ngiti, Ang mga mapang-akit **** titig at ang napaka lamig na boses na binubulong ng yong labi Nang ako’y iyong ligawan masyadong mabilis mo akong napasagot ng oo Kasi napaka laki naman ng amats ko sayo Kaya nagkaroon agad ng isang “tayo” Tayo ay nagtagal…. Masyadong nagtagal Na tila masyado nang napuno ng “tayo” Nakalimutan na natin ang para sakin at sayo Masyado nang naging masikip Bumuo tayo ng napakaraming mga pangarap Para sa ating hinaharap Kaya masyado nitong kinain ang ating panahon Ang dugo at pawis nati’y nilamon Masyado tayong naging kampante Na palaging nariyan ang isa’t isa kahit sa oras para sa kanya’y nagkulang ka na Masyado nang naubos ang ating lakas Upang mabuklod ang ating bukas At di na natin namalayan na ang ngayon pala’y naging masyado nang marupok At ang ating tayo’y.... unti-unti nang nalulugmok Hanggang sa naging madalas na ang paglabas ng mga salitang nakakasakit na Ang paglakas ng mga boses na nakakabingi na Masyado nang naging madalas ang pag-aaway sa kokonting pagkakataon na tayo’y nagkikita Masyado nang dumalas ang pagtatanong kung bakit pa? Kung ipagpapatuloy ko pa ba... Dahil masakit na Masyado nang dumami Ang rason ng aking pagsisisi Hanggan nasabi ko sa aking sarili Na tama na Ayaw ko na Kasi napakasakit na Masyado kitang minahal AT masyado mo rin akong minahal Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan AT ang sakit nato’y gusto ko nang makalimutan Kaya hanggang dito nalang ang pag-ibig na binuo ng Napaka at Masyado.
0
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 10:52 AM UTC
Napaka Masyado (TAGALOG)

40