hinahanap pa rin kita sa bawat araw na lumipas mga gabing kayakap ang lamig sa mga nakatagong larawang kupas pinamarisan ng mga alaala nakapinid saβking damdamin hinahanap pa rin
ang mga haplos at yakap nakakulong sa mga kahapong naglaho kasabay ng mga ulan, at sa pag tila ng mga patak ay siyang pag-agos ng aking luha para sa mga alaalang hinahanap kita
sa simoy ng tag-ulan sa mga bakas ng agos ng luha sa malamig na hanging dulot ng mga madidilim na ulap at sa mga naiwang alaala hinahanap kita
kahit saan man mapunta aking mga paa sa pag-iisa at sa paghahanap-karamay sa walang hanggang agos ng kalungkutan hinahanap pa rin ang mga alaala ng kahapong
hahanapin din sayo.
Michael Joseph Aguilar Tapit 04/07/2017
This is an entry for my post-baccalaureate degree in Creative Writing. I am planning to take a new step in poetry.