Takot akong mag-isa Takot akong harapin ang apat na dingding na makakasama ko sa gabi Narinig na nila akong kumanta Ng mga sinasayawan ng kalungkutan na himig Takot akong kamustahin ng mga unan na nabulungan na ng mga kasalanan Ng mga kumpisal ng mga pinakatatago kong lihim Naulanan na sila ng mga luha Na resulta ng ilang beses na pagtalalo Na nagaganap sa utak ko
Hindi ko rin maintindihan
Walang nakakaalam Na sa tuwing gabi na tanging ang hininga ko lang ang naririnig tanging ang puso na lang ang may ganang magdagdag ng segundo, paulit-ulit
walang nakakaalam kung gaano kalalim ang nilalakbay ng isip, kung gaano kadilim ang suhestiyon ng mga boses na nagtatakda madalas na akong nakikinig sa kanila pinipilit kong bugawin ngunit mas malakas sila sa βkin
natatakot akong mag isa natatakot ako sa mga gabing ako lang ang nagpapatulog sa sarili natatakot ako sa mga susunod pa
hindi ka ba natatakot sa mga boses na nagpapatulog sa 'yo tuwing gabi?
01/17/18 minsan na akong natalo at wala na akong maipapangako.