Malapit na ang aking kaarawan , Subalit puno parin nang lungkot ang aking sistema, Ako nga ba ay nababahala sa nangyayari sa eksena , o sadyang di ko lang mapigilan ang naririnig sa aking mga tainga, Nakarinig ako ng isang malungkot na kanta , tugmang-tugma sa tema, Dala ang lungkot at sakit sa aking mga nadarama, titigil pa kaya ang pagiisip na patuloy lumalala , o magkukunwari nalang sa bawat araw na gusto ko nalang matapos na .
Magpapasaya parin ba ako ng maraming tao , para lang itago itong nararamdaman ko , o ilalabas ko ito kahit napakahirap at baka pagtawanan nyo pa ko. Sa bawat ngiti ko na naipamamalas ay isang puntos o paraan para lumigaya ako kahit kaunti , Sa pagtahimik ko nagmamasid lang ako sa paligid , dahil takot akong magbigay opinyon , at baka ako'y paulananan ng masasakit na Salita na uukit sa aking kaluluwa hindi lang sa balat , hanggang sa tuluyan na nga akong dalhin ng aking isip , Kung saan ang dulo at solusyon ay kamatayan.
Mahirap sa pakiramdam yung simpleng bagay o salita para sayo , ay may kahulugan at di mo na mapigilang di magisip sa mga bagay na ito.