Masakit maiwan dahil sa isang paglisan Mga bagay na di maiwasang masaktan Mga alaala pilit kinalimutan Dala nito ay bigat na nararamdaman
Mga patak ng luha hindi mapigilan Dahil sa mga bigat na dala ng nakaraan Kung saan matagal maghilum ang sugat ng kahapon Na minsan ikaw mismo nahirapan itapon
Kaya sa pagsikat ng araw ay hudyat ng bagong umaga ng paglalakbay, Ito ay nagsasabing tuloy lang ang buhay Na maaaring gumawa ng mga bagong alaala, Para sa isang bagong kabanata
Kasama sa unti-unting pagbangon, Ang mga tamang pagtugon Sa mga bagay na kailangan tanggapin, Para ang sarili muling hanapin.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, Ang mga natirang sakit ay tuluyang nahugasan At di naglaon ito ay tumila, Lumabas ang bahaghari dala ay pag-asa
Kasama nito ang simoy ng hangin, na nagmulat sa paningin Na ang pagiging masaya ay sadyang pinipili, At hindi masamang magmahal muli Makita ang pagmamahal na para sa'kin hanggang sa huli
Kaya isa lang ang aking dalangin, matupad ang aking pangarap Na ikaw ay aking mahanap Di na sa panaginip kundi sa mundong tinatahak Sana dumating ka na Di sa isip kundi sa harap ko at nakikita ng dalawa kong mga mata Sana makita ko na yung ngiti mo Mga ngiti na magsasabi sa akin naΒ Β maging masaya lang dapat ako Sana mahawakan na kita Para di ko na maramdaman ang lungkot at pangamba Sana mayakap na kita Para maibsan yung sakit dulot ng aking mga problema Sana dumating ka na Para maramdaman ko ang sayang matagal ko ng hinahanap
At kung nandyan ka na Sana hindi tayo ipaglayo ng tadhana Dahil ngayon masasabi ko na ako'y "Handa" Handa na akong magpakulong muli sa rehas ng pag-ibig, at para iyong malaman Ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan Dahil ako'y handang susuko Kahit life time sentence sa piling mo.