Nagsimulang mangarap ang karamihan Ngunit bigo ang iilan marami ang naghangad ng pagpapala ngunit ang iba ay halos walang napala
ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!" pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!" natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao.
Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika" ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba. Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba.
"Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna" "kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?" at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga.
Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw, mayroon itong kapalit pagdating ng araw.
Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan, Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay.
Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo. di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo kung ang isda nahuhuli sa bungaga ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita.
Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo. Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to.
Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo. at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo.
Pader ng pagiging malaya.
FreedomWall ika-nga. Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.