Nasanay ako sa iyong salitang kay tamis Nasanay ako sa iyong mga yakap na kay higpit Nasanay ako sa iyong mga kwentong kay haba Nasanay ako sa mukhang pinagmanahan ko Nasanay ako na laging nasa iyong tabi Nasanay ako na di mo iniiwan Nasanay ako na laging **** inuuna Nasanay ako na mahal natin ang isa't-isa
Yan yung nga nakasanayan ko ngunit dahil sa isang pagkakamali lahat ng ito'y nagbago Dahil sa isang pagkakamali mo ang lahat ng nakasanayan ko ay nag-iba Kung noon nasanay ako, ngayon sanay na ako
Sanay na ako sa lagi **** pag-alis Sanay na ako sa lagi **** pag-iwan Sanay na ako sa mga pangakong di mo natutupad Sanay na ako sa mga pangakong lagi **** binabali Sanay na ako na laging may kulang Sanay na ako na ako nalang ang umiibig Sanay na ako sa mga luhang tumutulo Sanay na ako na iba na ang mahal mo
Sanay na nga ako pero paano bang masanay na di na nasasaktan? Paano bang masanay na wala nang pakialam? Paano nga bang di nalang makialam? Dahil oo kahit sanay na ako, nagtitiwala at nagmamahal pa rin ako sayo