Makakalimutin ako pero tanda ko pa rin ang mga dumaang araw Mga panahong ang bawat salita mo bumubuo ng akin araw, Bawat katinig sa aking balat humahaplos, Bawat patinig sa balahibo ko dumadausdos.
Hinding hindi ko malilimutan, tunog ng boses **** kay lambing Nang sinabi mo sa’kin na ako’y gusto mo rin. Makakalimutin ako pero natatandaan ko lahat ng sinabi mo, Nung panahong ginantihan mo ko ng salitang “ikaw lang rin ang mahal ko"
Hinding hindi ko malilimutan kung papaano tayo magtinginan Kung paano tayo naghahati sa mga pagkaing nakahain sa ating harapan. Kung kelan tayo sabay humahalakhak at parang lunod sa kapit ng alak At kung papaano tayo magtinginan sa tuwing tayo’y magkaharapan.
Hinding hindi ko malilimutan ang mga panahong kamay nati’y naglapat Nag salit-salit bawat daliri, nagsasabing habang buhay tayong magiging tapat. Yung higpit ng bawat kapit sa balikat na tila ayaw malayo At siyempre ang panahon na una tayong nagtagpo.
Hirap talaga akong makaalala ng mga bagay na nangyayari, Kilala mo naman ako, likas na makakalimutin. Kaya nga di ko lubos maisip na kahit hirap akong makaalala. Hinding Hindi ko pa rin malimutan, ang mga luma nating ala-ala.