Darating ba ang panahon kung kailan hindi mo na ako itutulak palayo na yayakapin mo ako ng mahigpit at hindi na pakakawalan sa mga bisig **** naging kanlungan sa tuwing hindi ko na kaya ang bigat na pinapataw ng mundo
Darating ba ang panahon kung kailan hindi na ako mangungulila sa iyo, na ikaw na ang nasa kinalalagyan ko at ako naman ang hahanapin mo, na ikaw naman ang siyang tatawid ng distansyang namamagitan sa atin
Darating ba ang panahon kung kailan ako na ang paksa ng mga berso **** likha na ako naman ang pag-aalayan mo ng katha
Darating ba ang panahon kung kailan makukulayan na ang mga pangakong salitang iginuhit at inukit subalit parang naiiwanan lang ako na paulit-ulit na umasa at magbuntong-hininga
Narito ako't nagtatanong Darating ba ang panahon nating dalawa? Narito ako't hihiling na sana bukas tayo ay pwede na baka nga bukas pwede na.