Natandaan ko yung sinabi ng kaibigan ko Noong nalaman niya yung isa kong kaibigan wala pang assignment Sabi niya, “May umaga pa.”
Oo, tama siya. Kasi kalagitnaan pa lamang daw iyon ng linggo Dahil alas-nuebe pa lamang ng gabi At halos 8 kilometro ang layo namin sa mga bahay namin At kaya pa naming magising ng alas-siyete ng umaga
Tama nga siya Kasi iikot pa daw ang mundo at tayo’y makakakita pa ng pagsikat ng araw At maliliwanagan sa realidad ng buhay Buhay na hindi naman natin ninais ngunit inaayos
Tama nga rin siya Dahil wala naman sinabing makulimlim nung mga araw na iyon O Ni-isang patak ng ulan ang bababa sa aspalto ng mga sirang kalsada At buong araw natin masisilayan ang sinag ni haring araw
Tama nga siya Dahil may 3 pang araw pa bago matapos ang isang linggo Dahil nakikita na sa kalendaryo niya
Oo, nakita niya lahat. Alam niya ang nangyayari sa paligid Bawat numero Bawat halaga Bawat detalye ng tinitirhan naming planeta
Ngunit, magkaiba kami ng mundo
Oo, Sabi nga niya May oras pa May bukas pa May umaga pa
Pero paano na ako?
Paano na ako? Ang aking orasan ay tila hindi na gumagalaw At ang mga numero nito’y kupas na? Paano na ang kalendaryo ko Na ang taon ay nasa taon pa rin ng aking kamatayan? Paano na ang pag-dating ng umagang inaasahan ko Kung ang ulan ay halos araw-araw na lamang At ang langit ay puno ng alapaap?
Paano na ako? Isang taong pinili na lamang mabulag ng pessimismo At tuluyan nang hindi masilawan ng optimismo?
Kaya ito ako ngayon Bumili ako ng bagong mga salamin Binilhan ko ng baterya ang aking orasan Bumili ako ng bagong kalendaryo Binuksan ko din ang aking bintana
Nasilayan ko ang sinasabi niyang umaga
Naramdaman ko ang init ang araw Gumagalaw na ang aking relo Nasa tamang taon na ang aking kalendaryo
Oo, tama nga siya May umaga pa nga Pero paano mo makikita ang umaga Kung sa pagsikat ng araw ay ang mga mata mo’y nakapikit pa?
Bumangon ka Maganda ang araw ngayon Huwag **** sasayangin Hanggang hapon lang iyon.