iniwan mo ako. saka mo nalamang mahal mo pala ako.
mahal mo ako. saka mo napagtantuhang kailangang iwan mo ako.
huwag **** bigyan ng hustisya ang mga espasyo ngayon sa bawat pangungusap. bawat salita ay dapat paghiwalayin kahit alam nating ito’y may kahulugan at ugnayan.
ikaw ako mahal kita ano ang saysay ng salita kung sa bibig o kamay ng iba ito manggagaling?
bakit mas masakit ang kirot ng pusong ‘di dahil sa pagsisiayos ng mga salita kundi sa ating pagkakaisang naudlot sa pagtalima ng mga alituntuning sinulat naman ng iba?
mamahalin kita* *kahit ang palaugnayan ay magkakamali rin. kung susunod ang ating mga puso gusto mo bang mabigo?
‘di mababawasan sa murang salita ang anumang nararamdaman. idaan mo na lang sa kilos, kung ayaw **** sumunod sa palaugnayan.