Oras na naman ng uwian Nariyan na naman si kalungkutan Bigla bigla na lang mararamdaman Ni hindi alam kung ano ang dahilan
Para kang naghihintay sa hindi naman darating Naghahanap ng isang bagay sa lugar na madilim Naliligaw pero wala namang pupuntahan Napapagod pero wala namang pinagkakaabalahan
Tila kailangan ng makakausap Gising ka pa ba? Maaari ba kitang istorbohin? Wag na lang pala Hihintayin ko na lang ito mawala