Ang bilis namang kumupas ng lahat Yung akala kong aabutin pa ng kinabukasa'y Kinain na ng alikabok, Hindi ko na mabasa ang naka-imprinta Na dati lang, araw-araw kong pinagmamasdan Na dati lang, parang sabik ka pang maging parte ng araw ko Na dati lang, sinasabi **** ako ang kumukumpleto nito.
Ang bilis namang maglaho ng lahat Pumikit lang ako, naiglip lang ako Parang nagbago na rin ang mundo mo Iba na ang istilo, iba na ang galaw Iba na ang sambit, iba na -- Hindi ko na mabasa pa Hindi ko na nga alam kung nasaan na ba ang "tayo."
Ang bilis namang huminto't sumuko Na sabi mo'y hindi ka magsasawa Pero parang kapeng katitimpla lang, Nanlamig at hindi ko alam kung paanong nawalan ng lasa Iba na ang nagtimpla, Ayoko na sana.
Ang bilis naman ng lahat, Sabi ko pa naman, "Higitan natin ang tatlong araw" Oo, sinubukan natin Nahigitan nga natin at naging "tatlong buwan."
Pasensya, hindi ko kasi matanggap Na ganito ang bunga nang minsang pinagtayaan ko Siguro nga ganoon talaga, Sa huli't huli'y susuko rin ang isa Bibitaw din at maglalaho ang "tayo."
Pasensya talaga, Ang hirap tanggapin Kasi ikaw ang unang sumuko sa ating dal'wa Ayoko na ring manguna pa Ayoko na ring ayusin pa Ayoko na ring bigyang kahulugan pa.
Hindi ko alam kung paano ako uuwi Kung sasalubungin pa ba ako ng yakap mo O mag-isa ako uuwi't maghihintay na lang muli Maghihintay at papara ng iba.
Hindi ko alam kung paano na Paano na yung mga plano natin Mga planong napako kahit maaga pa lang Hindi man lamang umabot sa ninais natin.
Sapat na sigurong itigil ang kahibangang ito Na minsan, nangarap ako At ikaw pa ang pinangarap ko. Nandyan ka man, ang layo mo pa rin.
Kaya siguro, siguro itigil n natin At siguro nga, hihinto na rin ako sa pagsusulat sayo Kalilimutan ko na lang ang lahat kahit masakit Tama na siguro, ayoko na magsulat Tama na, sumusuko na ako sayo.