Kanina, binibigyan kita Kaso ayaw mo kunin "Ang mahal naman," bulong mo "Manghihingi na lang ako mamaya" Nagtataka Ako sayo Kasi mahilig ka sa mamaya Pero alam ko, dyan sa "mamaya" mo Kakailangan mo rin ako.
Umalis ka na At nanatili Akong nakatiwangwang Ahy oo nga pala, Dinaanan Ako ng kaibigan mo "Ang mahal, pero kailangan ko eh" sambit niya At inakap niya Ako At nagbigay siya.
Nahuli ka sa klase Kasi sumama ka sa iba Nakalimutan mo ba? Exam ngayon diba?
Magkatabi kayo ng kaibigan mo, At nakita Mo Ako kasama siya "Uyy, pahingi," bulong mo sabay turo saΒ Β Akin "O, sa susunod bawal na manghingi ah" Wika niyang hindi nagdaramot.
Tinitigan mo Ako Doon mo pinakilala ang yong sarili Narinig mo ang mga tanong At sa Akin mo ibinahagi ang lahat Sana ganito na lang tayo palagi.
"Hindi ko to alam," nabasa Ko sa isip mo Napuno ka ng kaba kasi baka bumagsak ka Pero di ka nag-atubileng isuko sa Akin ang lahat.
Bago pa man malaman ng iba'y Ako na ang unang nakaalam Ng mga sagot mo sa kanilang Nagpuno ng tanong sayong isipan.
Kinabukasan ang araw ng muli nating pagkikita Alam kong kabado ka Pero naghanda ka pa rin. Dahan-dahan **** inihatid ang iyong sarili Sa harapan kung saan naging saksi ang lahat Hindi mo pa ako magawang tingnan Pumikit ka at nanalangin At sayong pagdilat Sayong pagtitig, ramdam ko ang iyong galak "Yes!" sigaw mo at doon ang unang yakap.
"Sana magkapapel na rin ako sa buhay mo. Sana wag ka nang humingi pa sa iba." - God