Di ko alam kung pano magsisimula Sa aking sasabihin,huwag sanang mabibigla Pero ang lahat ng maririnig **** salita Nagmula sa puso : sa puso kong sira Alam mo ba nung simula pa lang Sa puso ko ikaw na ang lamang Walang ibang hinihiling kundi ikaw Di ko nais na naaalis ka sa tanaw Oo , ikaw lang at walang iba Kase nga diba gusto kita? Sa puso kong ito, tunay kang nag-iisa Pero parang ang sakit sa pakiramdam Sa damdamin kong ito, walang nakakaalam Hanggang tingin lang lagi sa iyo, Minamasdan ko lahat ng kilos mo At kahit na ako'y nasasaktan, Sinong may ****? Wala naman akong karapatan Kahit mamamatay na ako sa sobrang sakit, Kailangang kong tanggapin lahat ng pait Ganyan naman talaga pag nagmamahal, Sakripisyo ang kailangan para tumagal Hindi ko alam kung anong meron sa iyo, At ikaw ang tinitibok ng puso ko, Siguro nga tadhana na ang nagtakda Kaya sana iyo namang mahalata Pagkat ayokong pati ikaw ay mawala Ngunit ano nga bang magagawa? Kung sa landas ko unti - unti kang nawawala? Para kang bula na dahan - dahang naglalaho Parang ibong lumilipad na papunta sa malayo Habang ako dito ay nakatayo Minamasdan kang papalayo Madalas ako sa kanila'y naiinggit Pagkat sa iyo ,sila'y nakakalapit Madalas kayong nagkakausap At lagi mo sya sa akin hinahanap Oo, alam kong kahit di ko aminin Na pangalan mo pa rin ang sinisigaw ng damdamin, Malalaman mo rin yun balang araw Kaya mananahimik nalang at di ko na isisigaw Ano pa nga bang silbi na ipagsigawan ko? Wala ka rin namang **** sa nararamdaman ko Kaya't salamat nalang sa ala- alang iniwan Sa lahat ng araw ng masasayang kwentuhan Paalam na mahal,ayoko nang masaktan Kahit iyon ay akin nang nakasanayan Nakakapagod ding maging Tanga kaya't paalam na Sana maging masaya ka doon sa piling nya !