Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Feb 2017
Bahagi ng aking nakaraan ang dahilan
Kung bakit mas pinili kong tatagan
ang pagiging mag-isa.
Ayoko na sanang masaktan o makapanakit pa

Sa kabila ng mga pagkakataong maaari
Na sana ako'y maging masaya; Wari
ng isip kong abala na baka
sa pagbabaka-sakali kong muli
ay muli akong mabigo
o 'di kaya'y muli akong makabigo
Masakit ang hindi makatupad ng isang pangako
#Tagalog #Tula
Jaaxxx
Written by
Jaaxxx  Philippines
(Philippines)   
1.6k
     cascandaza and K-mari AJani Jones
Please log in to view and add comments on poems