“Hindi kita iiwan, pangako yan” Ito ang mga huling salitang binitawan Binabalik-balikan ng aking isipan Hindi na alam kung alin ang imahinasyon sa totoo Pero ito pala ang totoo Nagmahal ako ng todo at nadurog ako Nadurog na tila isang salaming Tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili **** gwapo ka Matapos nito ay babalewalain
Maniwala ka sa’kin nagsimula kami sa magandang istorya Isa akong prinsesang noon ay napaniwala ng tadhana Nahulog sa matatamis niyang ngiti Nahulog sa malalambing niyang mensahe Nahulog sa kaniyang malamig na tinig Nahulog ng walang sumasalo Nadurog sa pagbitaw mo
At dahil na-ikwento ko na rin naman ang mga ito Lubos kong ikasasaya kung mauunawaan mo ako Sana maintindihan **** mahirap ang makalimot Sana maintindihan **** sariwa pa ang sugat Sana maintindihan **** hindi mabilis ang paghilom Lalo na kung sa puso ang tama nito Sana maintindihan **** ayoko nang mahulog Dahil basag na basag na ako Sana maintindihan **** hindi ko pa kayang Muling magmahal
Sa takot na muling masaktan Sa takot na hindi masklian ang labis kong pagmamahal Sa takot na muling ipagpali sa iba Sa takot na maiwan mag-isa Naiintindihan ko namang handa kang maghintay Na sa akin ka nakabatay Pero tigilan na natin ‘to Tigilan na natin ang kalokohang ito Dahil hindi ko na kayang magpanggap Na kaya ko na hindi ko na kayang magpanggap Na wala akong nararamdaman Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako Ang sakit sakit pa din Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-asang yan Dahil minsan na akong nilamon ng sistemang yan Minsan na din akong tumambay Sa lugar na tinatawag nilang ere Ngayon pa lang sasabihin ko nang Wala kang pag-asa
Siguro dahil hindi pa talaga ito ang panahon At hindi ikaw ang inilaan ng panginoon Siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo Dahil kahi anong pili mo Hindi nauutusan itong puso ko