Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan Pero ang pinaka nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto Puno ng tunog at salita Puno ng biruan at tawanan Pero ramdam **** nag-iisa ka Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman Nakakapagod ano? Nakakapagod magkunwaring masaya Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa Pero alam naman natin Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan Alam ko, pagod ka narin Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay Sa mundong malawak at mapaglaro Sa mga tulang isinulat pero walang laman Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig Sa mga matang blanko na walang ningning Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load Talaga namang nakakapagod ang mundo Minsan nga nakakagago Itulog nalang natin 'to, ano? Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo Yung bang dalawang klase ng pagkabigo Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats Nganga kung nganga Nada kung nada Itlog kung itlog Pero hindi pa tapos ang kwento Malayo pa ang lalakbayin May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw! Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso Habang wala pang tugon mula sa itaaas Salamat sa oras na tibok ng puso Kakapit muna ako kay Captain Yoo Sa seryoso pero nakakakilig na ugali, Sa swabe niyang mga the moves, Sa grabehan niyang mga titig, At sa mala-fairytale nilang storya, Captain, ako nalang please! Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.