Tinitigan kita, Mula ulo hanggang paa. Sinulyapan mo ako, Ng kakaibang pagnanasa.
Dumapo ang iyong kamay, Sa aking katawa'y nananalaytay. Nang labi ko'y dumantay, Muntik ka nang mahimatay.
Mapusok, umaalab, nag-aapoy. Bawat damdam'y hindi nagpaliguy-ligoy. Ninamnam ang panandaliang kuryenteng dumaloy, Hanggang sa tuluyan nang naglaro ng apoy.