Hindi kita ginamit at pinagkaingat-ingatan At sa minsanang pagdampi ng pawis ng langit, Ika’y aking iniaangat -- Malihis ka lamang sa makinarya ng tubig, Siyang may maitim na balak.
At sa lubak na daa’y, hindi ako patitisod Minsan nga’y naiisip ko pang ako’y hibang sayo, Pagkat di bale nang may galos, Wag ka lang gantihan ng gasgas.
At sa tuwing iaalis kita sa aking katauha'y, Tila ayoko nang magbagong-bihis pa Sapat ka na't ni ayaw nang maisantabi pa.
Mahal, Yan ang turing sayo. Mahal, Yan ang presyo mo.