#hugot
Sana'y nabatid ko, bakit siya lumisan
Ano ang dahilan, bakit biglang nagbago ang isipan
Sa loob ng mga taon, 'di mapalagay ang puso't isip
Bawat posibilidad, wala mang saysay
At sa huli, naiisip...
Siguro nga, 'di niya 'ko minahal
Ngunit 'yon ang pinakamasakit
Pinakawalang saysay sa lahat
'Di mawari, 'di maintindihan
Ba't bigla na lang nawalan ng saysay ang kahapon
Ang pinanghawakan, bigla na lang nawala
Parang bula, ika'y humiyaw...
Ohhh... nasaan na ba?
Bakit kailangang mag-isa?
Pinagtagpi-tagpi ang mga alaala
Mga pangakong binitawan nang 'di man lang sinasadya
Oo, may galit, may pait, may hindi maipaliwanag
Lalo na 'yung tanong — "Bakit 'di ako naging sapat?"
'DI MAWARI, 'DI MAINTINDIHAN!
BA'T BIGLA NA LANG NAWALAN NG SILBI ANG LAHAT!
ANG PINANGHAWAKAN, BIGLA NA LANG NAWALA!
PARANG BULA, IKA'Y HUMIYAW...
But my greatest lesson learned...
You were mine... until you weren't
And it was you who taught me so...
The GRACE in LETTING GO...
The time we had was all —
There was not a moment more
No more questions, no what-ifs
Just an open door...
I'M STANDING STRONG, I'M BREATHING FREE!
THE GIRL I WAS, SHE HAD TO LEAVE!
YOU WERE A CHAPTER, NOT MY WHOLE STORY!
NOW I'M CLAIMING BACK MY GLORY!
AND I'M SINGING NOW, FOR ALL TO HEAR!
MY HEART IS MINE, I CONQUER FEAR!
THE PAIN YOU LEFT, IT MADE ME WHOLE!
AND NOW I'M TAKING BACK MY SOUL!
Hangga't hindi na...
You were mine... until you weren't...
And now...
I am mine again.
Jan 14
Jan 14, 2026 at 9:48 AM UTC
"Sino ang bayani ng buhay mo?"
Minsan itong naging paksa ng aming aralin sa filipino
Madalas din itong itanong sa akin ng madla
Ngunit wala akong ibang sambit kundi ang iyong ngalan ina.
Bagama't wala siyang hari na katuwang,
Para sa akin siya ay reyna magmula pa noong ako'y walang muwang.
Magkaiba man ang daang ating nilalakaran,
Alam kong pareho tayo ng langit na tinitingnan.
Dito ay umaga, diyan ay gabi
Sa pagtulog mo ina nais kitang katabi
Iniibig kita kahit sa personal man ay 'di ko ito masabi
At kung maayos na ang mundo, dadampian ko ng pagmamahal ang iyong pisngi't labi.
Hindi sapat na ika'y pasalamatan
Pangakong pagod mo'y aking papalitan
Ng pag-ibig na walang hanggan
At ibabahagi ko lahat ng kabutihan mo hanggang sa aking kaapo-apohan
Kung tuluyan ka nang manghina
At kunin ka na sa akin ng May Likha,
Ako ang makakasama mo hanggang sa iyong huling hininga
Kukumutan kita ng pag-ibig, mahal kong ina.
May 21, 2021
May 21, 2021 at 3:17 PM UTC
bibilis at babagal
ang oras at ang tempo
ang paghinga at ang paggalaw
ang tibok ng aking puso
bibilis at babagal
maging ang mga salita
maging ang mga hakbang
papalapit ng papalapit
ang ating mga tadhana
ang ating mga landas
dalawang bagyong magtatagpo
upang bumuo ng isang kalmadong relasyon
mapanuya
na hindi kailanman nila makuha
sasayaw sa musikang
dala ng tadhana
dala ng busina ng sasakyan
ilang metro ang layo
sasayaw sa musikang
dala ng tadhana
dala ng nagkukwentuhang lasing
ilang hakbang lang ang layo
sasayaw sa musikang
dala ng tadhana
dala ng sipol ng hangin
nagbabanta ng paparating na ulan
sasayaw sa kabila
ng mapanirang tadhana
na posibleng isa sa ating ang mapilay
o mapahiya
dahil hindi na makasabay
sa ritmo at giling
sa musikang dala ng tadhana
patayin ang musika
kagaya ng pagpatay sa nararamdaman
hindi na ulit ako sasayaw
kung hindi ikaw ang kasama
Mar 18, 2021
Mar 18, 2021 at 8:36 AM UTC
Meron akong nakilalang babae
Kung saan ay hindi ko na ipagsasabi
Siya ay hindi maipagkailang kakaiba
Walang ibang pwedeng ihalintulad sa kanya
Kung sino ka man sa likod ng ipinapakita **** imahe
Yan sa ngayon ay hindi na importante
Marinig ko lang ang boses mo na kay tining
Na nagpapaganda nang tulog ko hanggang sa muling paggising
Kung dumating man ang araw na ikaw na ay magpapakilala
Sinisigurado kong ika'y bibigyang halaga
Sa pagtingin ko ay walang magbabago
Kasi pagkatao mo naman ang aking ginusto
Kaya ikaw ay huwag matakot
Ako'y hindi gagawa ng dahilan para ikaw ay maging malungkot
Kasi ang tanging gusto ay lumigaya ka
Lalo na kapag ako ang may likha
Jan 22, 2021
Jan 22, 2021 at 6:42 PM UTC
Nadatnan kita sa isang tabi
Umiiyak at walang pake
Sa mga dumaraan na akala mo'y nanunuod ng sine
Ang mga mata mo'y namamaga na sa sobrang paghikbi
Ako'y naglakas ng loob na lumapit
Inabutan ka ng pamunas, ngunit sa'king kamay ika'y kumapit
Nagkausap at nagkakilala tayo hanggang sa hapon at sumapit
Naglakad tayo papunta sainyo, hinatid kita kahit ako'y pagod na at nangangawit
Naging sobrang lapit natin sa isa't isa
Halos araw-araw tayo'y lumalabas magkasama
At isang araw 'di ko namalayan at nahulog na pala ako sayo sinta
Sinabi ko sayo't iyon rin pala ang iyong nadarama
Araw-araw tayo ay masaya
Pinaramdam sayo ang pag-ibig at sa puso ika'y nag-iisa
Ngunit isang araw ay nagbago ka
Tinanong kita kung anong problema
Ang sabi mo'y nagbabalik siya
Na siya pa rin at walang iba
Binuo kita noong winasak ka niya
At winasak mo ako nang bumalik siya.
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 10:16 AM UTC
Katawang sa gapos ay nais kumawala,
Sa kasing talas ng patalim na mga salita,
Mga matang nagmumugto sa hapdi na nadarama,
Iyak na hindi maisigaw sapagkat takot ang nauuna.
Nais sumigaw, nais lumaban,
Nais ilahad ang sakit na nararamdaman,
Ngunit sariling laman at dugo ang kalaban,
Kaya bang mag wagi kung ganito ang kinalalagyan?
Gustong sumigaw, gustong kumawala,
Gustong umiyak, gustong magpakaawa,
Gustong sumabog, gustong magmura,
Gustong ilahad ang sakit na nadarama.
Balang araw sana'y makalaya,
Araw ng paglisan aking nais matamasa.
Oct 3, 2020
Oct 3, 2020 at 9:02 PM UTC
wala na rin namang bago
kung isasara mo
kahit ang nagiisang bukas na libro
upang mabasa ko ang mga nasa isipan mo
ginagawa mo
saloobin mo
dahil wala na rin namang bago
matagal na naman ding sarado
ang pinto, ang libro
at kung ano pa mang representasyon
na meron tayo
Sep 30, 2020
Sep 30, 2020 at 9:26 AM UTC
baha
bagyo
ulan
init
noong walang naniwala sayo
nandoon ako
sa tabi mo
at ngayon
na ramdam ang pait ng mundo
wag mo sanang kalimutan
ang mga paalalang binanggit noon sayo
at ako lamang ang naniwala sayo
Sep 30, 2020
Sep 30, 2020 at 6:59 AM UTC
Kailan ko kaya muling makikita ang aking dating sarili?
'Yung mga ngiting hindi pilit
Kailan ko kaya muling mararamdaman ang tunay na kaligayahan?
'Yung hindi na nagpapanggap ng nararamdaman
Aug 3, 2020
Aug 3, 2020 at 4:25 PM UTC
No words can explain
what it really feels
Sometimes, silence kills
Aug 3, 2020
Aug 3, 2020 at 4:19 PM UTC
Palagi ka na lamang nagdududa sa t'wing iyong nakikitang ako'y may kasama
Mahal ko, hindi mo kailangang mag-alala
Sapagkat ang pag-ibig ko sa iyo ay sing init ng naglalagablab na apoy
Titiyakin kong hindi ka na muling mananaghoy
Madalas **** itanong sa akin kung nagsasawa na ba ako
Mahal ko, tanggalin mo ang "nagsa" sapagkat ikaw ang gusto kong maging "asawa"
Madalas mo ring itanong sa akin ; "sa aming dalawa ng nakaraan mo at ako sino'ng mas nagustuhan mo?"
Mahal ko, 'wag mo akong papipiliin sa dalawa dahil sa huli kahit sino pa sila ikaw at ikaw lang ang nag-iisa.
At kung pilit pa tayong paglayuin ng mga tao,
tandaan mo ang nag-iisang pangako ko
Tumingin ka sa itaas at bilangin mo muna kung ilan ang mga kumikinang na tala sa madilim na kalangitan
Pagkatapos ay maging dalawa muna ang buwan
saka kita iiwanan.
Jul 15, 2020
Jul 15, 2020 at 1:41 AM UTC
Halika't dumako tayo —
Uunahan na kita — hindi ito isang paraiso
Ito ay lugar kung saan maraming hindi natupad na pangako
Lugar kung saan maraming iniwan, sinaktan at pinangakuan —
Ngunit sa huli, hindi rin pala kayang panagutan.
Natanaw ko mula sa labas ang malakas na pagbuhos ng ulan
Narito ako sa loob ng isang silid na hindi ko maipaliwanag kung papaanong ako'y napunta dito
Napatingin ako sa paligid at mga taong narito
Lahat sila'y nakaitim katulad ng suot kong bestida
Marami sa kanila'y nakatingin mula sa bintana
Nakatayo lamang ako sa gitna
May isang babaeng nasa harap ng pintuan na animo'y may sasalubunging bisita.
Lumapit ako ng kaunti at tama nga!
Abot tenga ang kaniyang ngiti habang sinasalubong ang taong hinihintay niya
Kitang kita sa mga mata ng dalawang taong ito na mahal nila ang isa't isa
Siguro'y naghintay ng kay tagal na panahon ang dalaga upang masilayan muli ang mahal niya — tuluyan na silang
umalis bitbit ang kanilang ala-ala.
Napansin ko kanina ang pag-iba ng kaniyang suot na damit
Na dati ay kulay itim ngayo'y kulay puti.
Mabuti pa sila'y parehong nakapaghintay
Iyong ibang naririto ay magpahanggang ngayon ay wala pa ring mahintay—
May naghahanda na para sa panibago, may sumuko na at nawalan ng pag-asa, may tanggap na at handa ng magparaya, at syempre mayroon pa ring mga taong umaasa at naniniwala.
Kanina'y nagtataka ako kung bakit ako nandito,
hindi ko alam na kabilang pala ako sa mga taong pinangakuan ngunit hindi kayang panagutan
Kabilang pala ako sa mga taong umaasa at naniniwala
kahit napakaimposible at sobrang labo na
Lumapit sa akin ang isang lalake na tantya ko'y kaedad ko lamang
Isa rin pala siya sa mga taong "tanggap na at handa ng magparaya"
Tinanong niya kung pwede daw ba siyang makipagkaibigan
Mabilis lamang niyang nakuha ang aking atensyon at mula no'n —
sinabi ko sa aking sarili, handa na akong maniwala at magmahal muli
Ngayong kami'y handa na upang magpalaam sa aming mga nakasama
Malapit na kami mula sa pintuan habang magkahawak kamay at nakangiti sa isa't isa
Sabay ang paghakbang ng aming mga paa
Sabay din naming naririnig ang malakas na pagtibok ng aming puso dulot ng kaba
Sa malayo, natanaw ko ang isang lalakeng may hawak na bulaklak at panyo
Biglang tumigil ng saglit ang pagtibok ng aking puso,
at tumigil ang paggalaw ng aking relo.
Napahigpit ang hawak niya sa akin habang ako'y naguguluhan sa aking damdamin.
Narito ngayon sa harap ko
— ang lalakeng hinintay ko ng taon
Iniabot niya sa akin ang bulaklak at panyo
Aalis na sana siya ngunit mabilis kong binitawan ang kamay na hawak ko
at hinigit ko ang kaniyang suot na polo
Humarap siya at inalis niya ng dahan dahan ang kamay ko sabay sabing,
"Patawarin mo sana ako dahil pinaghintay kita ng mas matagal kaysa sa ipinangako ko. Dumating pa rin ako kahit na alam kong maaaring nakatagpo ka na ng ibang magmamahal sa iyo. Ayos lang ako 'wag kang mag-alala maging masaya sana kayong dalawa."
Akala ko'y handa na ako para sa "panibago" ngunit heto ako,
Ako naman ngayon ang hindi tutupad sa pangako
Ako naman ngayon ang bibitiw sa mga hawak ng taong akala ko'y mahal ko
Ako naman ngayon ang mananakit ngunit hindi ito ang intensyon ko
Babalik na muli siya sa lugar na minsan kaming nagkasama
Sana'y sinigurado muna ang nararamdaman kung tunay ba
Lumipat ako sa ibang lugar suot ang aking itim na bestida
Ngunit hindi na siya ang kasama
Lugar kung saan may nangako ngunit hindi tinotoo
Lugar kung saan maraming walang kwentang tao na nagbitiw ng walang kwentang pangako.
Jul 14, 2020
Jul 14, 2020 at 1:44 AM UTC
at ang pagsusulat ay ang naging pagtakas
sa mundong nagpapaka-mundo
ngunit bakit
tila hindi makapag-isip
ng tema
ng letra
ng tugma na bumebenta
ngayo'y parang
walang kwenta
'di maitugma sa eksena
at para bang ang pagsusulat
ay isa na rin sa tinatakasan
hindi matapos na kanta
librong natigil sa gitna
itong tula na pilit kong tinutugma
palaging nais magsulat
ngunit hindi makahanap
ng kabuluhan sa lahat
Jul 6, 2020
Jul 6, 2020 at 9:22 AM UTC
Dama ko na ang pagdampi ng sikat ni haring araw
At sa araw na ito kakalimutan na ang ikaw
Sa bintana'y 'di na muling dudungaw
Wala na ang pag-ibig na dating umaapaw.
Kung sa umaga'y suot suot ang maskara,
Sa gabi'y, naghahanap ng makakalinga.
Yakap yakap ang unan
Bagay na saksi sa lahat ng aking kasawian.
Tumatangis sa gabing maulan
Humihingi ng tulong mula sa kalawakan
Hanggang kailan matatapos ang aking pakikipaglaban?
Sa kalungkutang dala ng nakaraan.
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 9:52 PM UTC
"Ang hirap maging babae kung torpe 'yong lalake. Kahit may gusto ka 'di mo masabi."
Sa tagal ng ating pinagsamahan
Nagdadalawang isip kung totoo ba ang nararamdaman
Bakit hindi mo masabi sa akin ng diretso?
Bakit natatakot ka sa opiniyon ng ibang tao?
Mga galaw **** may dobleng ibig sabihin
Hindi alam kung ano ang nais **** iparating
Kaya naman patago din akong kinikilig
Habang sa mga braso mo'y nakahilig.
"Hindi ako 'yong tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya 'di maaari."
Kilala akong dalagang Pilipina
Iniingat-ingatan ko ang aking hiya
"Babae ako kaya ikaw dapat ang mauna"
Iyan ang akala kong noon ay tama.
Ngayon ito na pala ang huli
Sana'y nilubos ko na ang bawat sandali
Sa tinagal ng panahon,
Sasabay ka rin pa lang lilisan katulad ng nangyari sa akin kahapon.
"At kahit mahal kita wala akong magagawa. Tanggap ko, oh ang aking sinta. Pangarap lang kita."
Magkaiba nga tayo ng mundo
Ngunit wala akong ibang gusto.
Sana sa susunod na pagkikita
Tayo na ang para sa isa't isa
Mahal kita ng sobra
Kung iyan ang desisyon mo'y hindi na kita pipigilan pa.
Napagtanto ko na,
Hanggang pangarap lang kita.
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:48 AM UTC
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig?
Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig?
Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig?
Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin
Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay,
Sa pagsuway.
Hindi ito ang tamang pagmamahalan
'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis
Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis
Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo
Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako.
Ngayon kaibigan
Maaari mo na bang sagutan
Ang aking katanungan
Ang talata sa unahan
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:07 AM UTC
Agaw eksena na naman
ang kulay kahel na langit
Dahan dahang pumikit
Mula puso at isipan ko,
Imahe mo ang nakaguhit.
Hindi pa ba sapat
Naging tapat
Ngunit hindi naging
dapat
Aking natitiyak
Ikaw ang hangarin ko
Pag-ibig ko
Ngunit sino ba ako sayo?
Madilim na
Wala pa din akong makita--
Mahanap
Ikaw lang talaga.
Matagal na panahon bago nabuhay muli ang pusong ito.
At ngayon papatayin mo
Hindi pa ba sapat
Naging tapat
Ngunit hindi naging dapat
Ikaw---
na inilayan ko nito
Maaari bang pagbuksan mo?
At nang iyong mapagtanto..
Na ikaw ang mahal ko
Ngunit..
Sino ba ako sayo?
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:31 AM UTC
Tila totoo ang aking sapantaha
Pag-ibig mo'y nasa kaniya na
Dati'y nasa akin pa
Ngayo'y nanlilimos kahit tira tira.
Lokohin man ang sarili
Sabihin mang hindi na ikaw
Hindi mabibilang sa daliri
Ang patuloy na pag-alala sa iyo sa araw araw.
Tila totoo ang aking sapantaha
Sariwa pa sa aking mga ala ala
Noong tayo'y naguunahan sa pagbibisekleta
Tayo lang dalawa sapagkat tahimik ang kalsada.
Sumobra ako sa patakbo
Dahilan upang matumba ako
Inalalayan at nag-alala ka ng husto
Pagkatapos no'n ay sabay tayong humalakhak dahil sa katangahan ko
Araw-araw mo akong pinapaligaya
Sa mga mensahe **** nakakatawa
Hindi tayo nagsasawa sa isa't isa
Iyon ang aking sapantaha.
Ganoon tayo kasaya
Kahit isaw at kwek kwek lang ang meryenda
Hindi nasa meryenda ang aking kasiyahan
Nasa taong kasama ko na gusto kong maging kasintahan.
Ang sarap balik balikan
Mga panahong buo pa ang ating samahan
Kay bilis lamang magbago ang ihip ng hangin
Kasabay no'n ay wala ka na pala sa akin.
Tila totoo ang aking sapantaha
Hindi dapat ako masyadong nagtiwala
Sa katulad **** magaling magpatawa
Dahil isa lang pa lang biro ang lahat ng iyong ipinadama.
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:31 PM UTC
Bakit sa una'y halos sumakit na ang tiyan kakatawa
At maya't maya'y tumutulo na ang mga luha sa mukha?
Napapaiyak na lamang sa sulok
Unti-unting kinakain ng maitim na usok
Namamanhid na't halos di makilala ang sarili
Nais ko ulit bumalik sa panahong wala pa akong alam sa mga nangyayari
Ang mga ngiti ko noong kay tamis
Mga tawang walang halong lumbay at hapis.
Pilit kong kinakalimutan ang aking mapait na nakaraan
Ngunit bumabalik balik pa rin lahat ng ala-ala sa aking isipan.
Ang sabi nila'y tigilan ko na ang mamuhay sa nakaraan at iwasang magkaroon ng galit sa kapwa,
Paano maaalis ang galit sa aking puso
Kung ang dahilan nito ay ang taong nag-iwan ng masakit na marka sa aking pagkatao?
Sa tinagal tagal ng panahon, para bang naging bato ang aking puso
Bawat pintuan ay may kandado
Bawat bintana ay sarado
Ibang-iba na sa dating ako.
Jun 10, 2020
Jun 10, 2020 at 1:43 AM UTC
Pinili nating maging tahimik
Pinili nating huwag umimik
Kaya naman hindi natin napagbigyan ang isa't isa na magmahalan
Hindi natin nasabi ang ating nararamdaman.
Pareho tayong naging duwag
Laging may bumubulong ng salitang "huwag"
Kahit gustong sumabog ng puso at sabihing "ikaw ang gusto",
Nagpapigil tayo sa takot na "baka mawala ka sa akin ng husto".
Kung sana kahit konti ay naging matapang tayo
Naghintay kahit gaano man kalabo
Lumaban kahit ilang beses matalo
Hindi sana nasasaktan at nagsisising "sana'y naging tayo"
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:49 AM UTC
"Mabuti pa sa loto may pag-asang manalo. 'Di tulad sa'yo imposible."
Napakaimposibleng mapa sakin ka
Wala pa akong napapatunayan sa mga mata ng masa
Ang pag-ibig ko sa iyo
Ay parang pagsusugal sa loto
Alam kong malabong ako'y manalo
Alam kong maaari akong matalo
Pagmamahal ko'y ipaparamdam sa iyo sa pamamagitan ng mga galaw ko
Sapagkat ako'y nauutal kapag ikaw na ang nasa harap ko.
"Prinsesa ka ako'y dukha. Sa TV lang naman kase may mangyayari."
Nakatira ka sa isang palasyo
Isang paraiso
Nababagay roon ang mga anghel na katulad mo
Wala pa man sa kalagitnaan ng digmaan, batid kong ako'y bigo.
Gusto kong mapunta sa ibang dimensyon ng mundo
Kung saan maaaring maging tayo
Ngunit mukhang tama nga sila
Sa telebisyon lamang nangyayaring magsama ang pulubi at prinsesa.
"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh aking sinta. Pangarap lang kita."
Ilang ulit na akong sumubok na ipabatid sa iyo
Ilang ulit na rin akong nabigo.
Wala ng ibang paraan
Kundi lumisan
Nawa'y mahanap mo ang tamang tao para sa iyo
Hindi ka nararapat sa isang katulad ko
Tanggapin na lamang na tayo'y magkaiba
Hanggang pangarap lang kita.
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:46 AM UTC
Noong ako'y nasa elementarya,
Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga.
Hindi ko maintindihan
Kung ano nga ba ang kahulugan.
Marahil hindi ko pa nararanasan
Ang umibig at ibigin ng lubusan
Ngunit mayroong dalawang tao
Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento.
Maganda at payapa
Ganiyan ilarawan ng dalaga
Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata
Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala.
Wala pa sa isipan ng dalaga
Ang pag-aasawa
Hanggang sa dumating ang binata
Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa
Hindi niya alam ang kaniyang motibo
Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo
Basta't ang alam niya siya ay masaya
Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa.
Ang babae ay nalinlang
Sa mukha ng isang lalakeng nilalang
Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita
Ang lalake ay labis na natutuwa
Nagtagumpay ang plano
Sa likod ng kaniyang mukhang maamo
Dala nito'y tukso
Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo.
Kaniyang ibinigay ang lahat
Pati ang mga bagay na hindi dapat
Hindi inisip ang bukas
Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas
Sa tagal ng kanilang pinagsamahan
Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan
Nagdaan ang mga araw
Ang lalake ay hindi na muling tumanaw.
Umalis na ng tuluyan
Mag-isa na lamang siyang nagduduyan.
Ang nasa kaniyang isipan,
Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan.
Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina
Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama
Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban
Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan.
Ako ang naging bunga
Ng kanilang pagsasama
Sa katunayan
Ako ay bunga ng kasalanan.
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:01 AM UTC
Ang pag silay ng araw
Ay siya ring paglisan
Ng mga bituin at ng buwan.
Hindi alintana ang sakit
Maramdaman mo lamang ang sikat ng araw
Kahit gabi-gabi
Akong tinutulugan
Ni hindi nga ako kayang pagmasdan
Mula sa kalangitan
Sa bawat pagning ning ko
Ikaw ang dahilan nito.
Ngunit sa umaga ka lamang mulat
Gumigising ng maagap
Handang magparaya
Makita mo lamang ang mundo
t'wing umaga
Ang buwan na nagbibigay liwanag
sa kalawakan
Ay piniling lumisan
Ako ang bituin at ang buwan
Jul 17, 2019
Jul 17, 2019 at 10:45 PM UTC
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan.
May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan.
May mga katotohanang masakit malaman.
Kaya mananatiling tahimik
Tikom ang bibig
Unti unting naiipon ang poot sa aking puso.
Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok.
Na para bang nabalutan ng tinik
Dahil sa paulit ulit na pananakit.
Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak.
Nakisabay pa ang mga ulap
Kumulog at kumidlat
Mga mata ko'y pagod na muling dumilat
Pamilyar sa akin ang gabing ito
Marahil, nakagawian ko na
Ang umiyak gabi gabi
Magkulong, magmukmok
Hanggang sa abutan ako ng antok.
May mga gabing ayoko ng mag umaga
May mga umaga na gusto ko ng mag gabi
May mga araw na gusto kong umulan
Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 6:50 AM UTC
Ang sabi ng mga madla
Madaya ang tadhana
Iibig ka na sa maling tao pa.
Ngunit tadhana nga ba ang madaya
O tayong mga tao lang talaga?
Kay damot ng tadhana
Ang taong gusto mo'y hindi makuha
Bakit iyong iba wala namang ginagawa
Samantalang ako'y halos umiyak na ng isang baldeng luha
Hindi ka pa rin makuha
Hanggang ngayo'y hinahangaan ka pa rin sa malayo
Malabo mang mapansin mo
Hindi mo man pansin ang presensya ko
Narito lamang ako,
Ipagdarasal ang kapakanan mo.
Sana'y madali lang ipagsigawan
Ang aking nararamdaman
Ngunit alam kong tututol ang mundo
Ilalayo ka sa akin ng mga tao
Masasaktan lamang tayong pareho.
Ang daya daya ni tadhana
Ako ang unang nakahanap sa'yo
Ngunit mas pinili **** mapunta sa malayo
Nagkamali ako
Lahat ng aking mga paratang ay hindi totoo
Ikaw ang madaya
Inibig kita ngunit sinira mo ako
Nilisan mo ako at sumama ka sa malayo
Iniwan mo ang kalahati ng puso ko
Ang iba'y na sa iyo.
Kaya madaya ka!
Narito ako't balisa
Habang ika'y nagpapakasaya
Sa yakap ng iba.
Madaya ka!
Libo libong alaala
Ang naging sandigan ko
Upang ika'y bumalik at magmakaawa
Magmakaawa na bigyan pa kita
Bigyan ng pagkakataon na muli pang magsasama
Naghintay ako ng iyong pagparito
Ngunit malamig na hangin lamang
Ang sumalubong sa akin.
Hindi ka na maaaring bumalik pa!
Bakit pa ako umaasa?
Madaya ka!
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:25 AM UTC