kung ikaw lamang ay iba sa iyong sarili at hindi itong anino na may hawak na balaraw, mala-dagitab ang bilis ng iyong pagkabig sa akin, sana’y naririto ka pa ngunit
ikaw at ako ay hindi ikaw at ako at tila ikaw at ikaw lamang na sana’y dalawa; waring kumpisal sa harap ng salamin, kung mayroon lamang kasiguraduhan at walang bahid ng alinlangan at itim na katahimikan,
puspos ka ng pagdaramot kaya naman sa init ng paglisan at sa pagiimbot ng distansya, ako’y tupok na tupok