Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2016
sa dagliang pangangalawang ng buto dala
ng bawat patak ng ulan.

ang pinapaling lakas ng hangin palihis
sa kurtina ng pag-iisa, itong kamay na palupot
ng pagkalugmok, hapung-hapo sa paghabol

sa pag-uumaga ng mga sandali.
napababalikwas sa tuwing banaag
   ang hinaharap.

hubad ang bughaw na katawan ng mundo
   ang kulay ng karagatan ay pula – dala ng silakbo
   ng damdamin;

magtatampisaw sa tubig
  hihiga at lulutang
      kasabay ng tagistis ng alaalang walang ibang hangad
                   kundi ang umusad.
Windsor I Guadalupe Jr
Written by
Windsor I Guadalupe Jr  Bulacan
(Bulacan)   
4.8k
 
Please log in to view and add comments on poems