Babalik ako sa kung saan tayo ay mga bata pa Nag lalaro, tumatakbo, tumatawa Walang iniisip na problema At may mga ngiting walang katumbas Na nakikita sating mukha.
Isang umaga ang hindi ko nalimutan Yung araw na nalaman ko na ikaw ay may pag tingin pala, Tumingin ako sayo Napatingin sa mga ngiti mo Na parang nakuha ang inaasam asam niyang regalo sa pasko Habang ika'y ay bahagyang yumuko at umiiwas na makita ko Mga mata natin ay nag tagpo Diko alam aking sasabihin Gusto ko itanong sayo kung bakit ako, Ngunit walang salita ang lumalabas sa mga labi ko.
Ilang umaga ang nagdaan na palaging tumitingin sa langit at ngumingiti sa araw Pumipikit at dinadama ito na parang na sisilaw sa angkin nitong ningning Iniisip kung ikaw ay makikita. Kaya't dali daling papasok sa eskwela Tingin doon, tingin dito "Nasan ka ba" ang tatlong salita na laging sinasambit tuwing hinahanap ka.
Tuwing tayo ay nag kakasalubong Parang may kuryente na sa katawan ko'y tumatakbo. Ngingiti tayo sa isa't isa Na parang mga batang binigyan ng sorbetes At natuwa sa kung gaano ito katamis.
Tatapusin ko na itong tula na aking ginawa Ito nga pala ang isa sa magagandang bagay na nangyari saking pag kabata. Limang taon na ang nakalipas .
May mga tao talaga sating pag kabata na minsan tayong pinasaya. "Crush" isang salita pero mapapangiti ka ng abot tenga. -pbwf-