Minsan, nagsasalita ang mga lata Napakaingay at mistulang sirang plaka. May yugyugan pa Ng mga baryang hindi mabilang-bilang.
Ang latang nanahimik, kikibo rin pala Pag tinapunan ng barya, Kakalansing siya. Hawak ng nanlilimos ng simpatya, Ngunit sino siyang taya? Waring nagsisipilahan pa sila Sa pagtapon ng sentimo Na tila baga lahat ay uhaw sa pansin.
Kapag binigyan mo, Kakapit sila sa damit at magmamantsa May bakas ng mga kamay Kaya't sila'y wagi sa panlilimos.
Kaya't minsan, hindi ako naaawa sa kanila Pagkat pagbubulaslas nila'y walang kasiguraduhan. Saanmang anggulo, Hindi masiyasat ang katotohanan.
Sila mismo, gulung-gulo sa kabuuan Ni hindi tiyak ang nilalaman At kuwento'y niyupi-yupi, Buhay sa kanya-kanyang kalupi. Tunog-lata nga naman.
Grabe ang away sa social media ngayon ukol sa LGBT at kay Pacman. Dagdagan pa ng mga maling anggulo na gugulo sa isipan ng bawat Juan. Minsan nga naman, kapag tumayo ka sa tama, titirahin ka.
Social media nga naman, syempre para kumita sila. Ipagdasal natin ang bayan natin.